Mga Malalim na salita at hiram na salita

Dupil

Ito ay isang bagay na pinaniniwalaan na may makapangyarihan para maligtas ang tao. Ito ay tinatawag na anting anting at agimat.

Halimbawa: Ginamit ni Pedro ang dupil upang maligtas ang kanyang kapatid sa kapahamakan.

Balarila
Ito ay ang pag aaral sa klase upang maitama ang pangungusap.

Halimbawa: Isa sa mga batayan sa pagsusulat ay ang balarila.

Hunsoy
Ito ay isang uri ng sigarilyo na hindi nauubos dahil sa lalagyan nitong bakal.

Halimbawa: Si Mang Domeng ay laging ginagamit ang hunsoy.

Agatat
Ito ay marka sa pamamagitan ng patalim.

Halimbawa: Si Darwin ay pumunta sa masukal na lugar sa hindi inaasahan siya ay nagkaroon ng agatat sa kanyang katawan.

Badhi
Ito ay guhit sa palad ng tao

Halimbawa: Lahat ng tao ay mayroong badhi pati na rin si Anna.

Talipandas
Makapal ang mukha

Halimbawa: Ang mga talipandas ay pumunta sa handaan kahit hindi inimbita.

Talaksan
Ito ay isang papeles

Halimbawa: Si arlyn ay nagpasa ng kanyang talaksan.

Tsubibo (carousel)
Ito ay isang sasakyang pangkatuwaan at libangan na binubuo ng isang bilog at umiikot sa kalatagan o plataporma at mga upuang pampasahero.

Halimbawa: Si Mariel ay nais sumakay sa tsubibo ngayong kaarawan niya.

Yakis (hyperlink)
Ito ay isang wikang filipino na may kahulugan na ang isang bagay ay gawing mas matalim.

Halimbawa: Nagturo si Gng. Vasquez kung paano gumamit ng yakis.

Tipanan
Ito ay lugar na kung saan nagtatagpo

Halimbawa: Si Moriesette ay laging nag aantay sa kanilang dating tipanan.

Leave a comment